Sapnu: Babala ni General Corpus

Ric Sapnu

NOONG Lunes, si Chief Superintendent Amador Corpus, Police Regional Office III (PRO)-Central Luzon ang nag-administer sa oath taking sa 464 na bagong promoted Philippine National Police (PNP) personnel na kung saan ginanap sa Parade Ground.

Sa 464 PNP personnel, 51 nito ay mga police commissioned officer at 413 naman ang police non—commissioned officers.

Ang pagbibigay ng promotion sa mga PNP personnel ay bilang recognition ng mga ito sa kanilang ginawang serbisyo sa komunidad, ayon kay Corpus.

Binalaan naman ni Chief Superintendent Corpus ang mga bagong promoted PNP personnel sa huwag masangkot sa illegal activities.

Hindi ako papayag na bawat sa inyo lalabag sa batas, pahayag ni Corpus sa kanyang maikling mensahe noong oath-taking ceremony.

Hindi kayo katapat dapat na magsuot ng uniporme ng PNP kung kayo sangkot sa illegal activities lalo na sa illegal drugs, ayon kay Corpus.

Magserbisyo kayo ng tama sa mga kababayan natin at malayo ang iyong mararating bilang police officers, dagdag pa Corpus.

Sang-ayon pa kay Corpus, ang mga police officer na masasangkot sa illegal activities lalo na sa droga ay sisibakin ko sa serbsiyo...

Abangan po natin kung mayroon nga masisibak sa serbisyo…

Bulacan at Tarlac police nangunguna sa kampanya laban sa droga

Simula noong Enero hanggang Pebrero nitong taon, naglalaban sa kampanya sa illegal drugs ang Bulacan Police at Tarlac Police.

Sa Bulacan, hindi na mabilang ang mga naarestong mga drug pushers/users sa iba’t ibang bayan ng lalawigan. Mayroon din mga drug personality ang napapatay ng operatiba matapos makipag palitan ng putok sa mga pulis.

Sa Tarlac naman hindi na rin mabilang ang mga naarestong mga drug personality kabilang na isang barangay captain.

Ang Bulacan at Tarlac ang mas maraming “accomplishment” sa kampanya sa illegal drugs.