Sapnu: Riding-in-Tandem imatake na naman???

Ric Sapnu

HALOS umaabot sa P1 milyon cash at iba pang kagamitan ang natangay ng Riding-In-Tandem noong nakaraang Martes (Sept. 5).

Si Leoncio Lazaro, 65, residente ng Baranga Manggaan, Subic, Zambales at dating konsehal ng naturang bayan ang naging biktima ng Riding-In-Tandem.

Sang-ayon sa police report, si Lazaro kasama ang kanyang asawa sakay ng isang Toyota Fortuner nang sila’y holdapin ng mga suspek.

Sang-ayon sa report, nang iparada ni Lazaro ang kanyang behikulo malapit sa Standard Insurance Agency sa Green Ville Subdivision, Barangay San Jose, City of San Fernando, Pampanga, bigla na lang dumating ang dalawang gunmen sakay ng isang motorsiklo.

At gunpoint, sinabihan ang mga biktima na holdap ito at nang kukunin na ang bag ni Leoncio Lazaro bigla itong tumakbo. Nguni’t siya’y nahabol at binugbog pa ng mga suspek.

Natangay ng mga suspek ang sling bag ng biktima na naglalaman ng P600,000 cash, ATM card at iba pang personal belongings. Halos umaabot sa P1 milyon halaga ang natangay ng mga riding-in-tandem.

Dinala naman sa malapit na ospital ang nabugbog na biktima.

Mayroon na rin dalawang buwan nang umatake ang Riding-In-Tandem sa City of San Fernando. Isang ginang ang natangayan ng di-pa malaman halaga ng riding-in-tandem.

Pauwi noon si Ginang nguni’t nang malapit ito sa Cherry Hill village sa Barangay San Agustin, City of San Fernando, nang biglang lumitaw sa harap nito ang mga suspek sakay ng isang motosiklo at sabay haplot sa kanyang bag.

Tumakas pantungong Angeles City ang Riding-In-Tandem…

Ano na kaya ang aksyon ng City of San Fernando Police sa dalawang magkasunod na pag-atake ng Riding-In-Tandem sa lungsod. Nagtatanong lang po…