Sapnu: Isang kilo “shabu” natagpuan sa isang hotel???

Ric Sapnu

NOONG nakaraang Huwebes (June 14) isang kilo pinaniniwalaang shabu ang natagpuan ng isang hotel attendant.

Sang-ayon sa report ng pulisya, nakita ng room attendant ang isang paper bag sa hall way ng Sogo Hotel sa Dau, Mabalacat City.

At nang busisihin ng attendant ang nasabing paper bag laking gulat nito ang laman pala isang kilo shabu, ayon sa report.

Ang ginawa umano ng attendant ibinigay nito sa mga pulis na kung saan kasalukuyang nagsasagawa ng checkpoint sa kahabaan ng Mc Arthur highway sa Barangay Dau, Mabalacat City.

Ang ginawa ng Mabalacat City Police ay dinala ang nasabing 1 kilo of shabu sa PNP Crime Laboratory Office sa Camp Olivas upang ipasuri ito.

Nagsagawa din ng inspeksyon ng Mabalacat City police sa nasabing hotel upang makilalalan ang may-ari ng one kilo shabu nguni’t bigo ang mga ito.

Ang tanong dito, wala bang CCTV camera ang nasabing hotel upang malaman kung sino ang guest nila na pumasok noong araw na iyon??? Nagtatanong lang po..

Bakit kaya hindi ipinaalam ng room attendant sa management ng hotel ang natagpuan niyang 1 kilo of shabu??? Nagtatanong lang po...

Kung totoo talagang shabu ang nasa paper bag at nagkakahalaga ito PHP 2 milyon, ang ibig sabihin nito ay “big time” ang may dala nito...

Kailangan masusing imbestigahan ng Pampanga Police ang nasabing 1 kilo shabu sa hotel at sino ang may-ari nito......