Sapnu: Mapayapa at Maayos ang nagdaang Semana Santa

Ric Sapnu

NAGING maayos at mapayapa ang nagdaan na Semana Santa sa Central Luzon.

Ito ang ipinagmalaking ipinahayag ni Chief Superintendent Aaron Aquino, Police Regional Office (PRO) 3 director na kung saan ito’y dahil sa kanilang paghahanda dalawang linggo bago mag Semata Santa.

Isang linggo bago ang Semana Santa, halos araw araw ay nagsasagawa ang PRO3 ng konperensya upang matiyak na maging maayos at mapayapa ang Semana Santa.

Halos umabot sa 4,362 ang ideneploy na PNP (Philippine National Police) personnel sa rehiyon, ayon kay Aquino.

At mayroon din idineploy na 9,564 force multipliers at volunteer groups upang tumulong sa mga PNP personnel.

Nagtayo din ng mahigit 385 Police Assistance Desks (PADS) sa mga pangunahing lansangan upang tumulong sa mga motorist na pauwi sa kani-kanilang mga lalawigan sa rehiyon.

Sa mga crucifixion sites naging maayos at walang untoward incidents na nangyari dahil sa mga naka-deploy na mga pulis sa mga lugar, ayon pa kay Aquino.

Sa pitong lalawigan at dalawang lungsod sa Central Luzon naging maayos at mapayapa ang nakaraang Semana Santa, pahayag ni Aquino.